Tuesday, January 1, 2019

Children's Month


     Ang pag-aanak ay malaking hamon sa mag-asawa. Ang panganganak ay naglalagay ng isang paa ng ina sa hukay. Ang mga susunod na buwanay sadyang labis na pagpupunyagi ang dulot lalobg lalo na sa isang ina


     Bilang isang magulang, responsibilidad nila ang tamang pag aaruga sa kanlang anak upang sa ganon ay maging maganda at matiwasay ang hinaharap ng kanilang mga anak. Susubukin din nito ang pagtitiyaga at mahabang pasensiya. Ang tamang pag-aaruga ay dapat simulan sa regular na pagpapasuso ng sangol. Kinakailngan din ang magkatuwang na pwersa ng dalawang mag-asawa sa paggabay at paghubog ng magandang buhay ang bata.

     Ang mga bata ay isang malaking biyaya na galing sa ating panginoon. Kaya't marapat lang na sila'y alagaan at gabayan sa kanilang paglaki. At dapat din silang mabigyan ng mga pangunahing pangangailangab. Dahil ang mga kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.


Reference:
https://s3-us-west-2.amazonaws.com/uw-s3-cdn/wp-content/uploads/sites/6/2016/11/04145139/Diverse-group-of-children.jpg

No comments:

Post a Comment